High School
Bakit ka nahuhuli sa pila bago mag-flag ceremony?
:: Minsan late na magising, kaya madalas naiiwan ni Mang Mads (school service). Tapos traffic pa at mahirap sumakay dahil rush hour. Minsan nman kahit nakasabay kay Mang Mads, kapag minamalas… stuck nman sa traffic. Bad trip prin!
Anong favorite mong bilhin sa canteen?
:: Mister Donut, Junk Food, Sago… un lang naaalala ko. Mahal kasi mga bilihin sa canteen kya nagbabaon na lang ako…
Na-guidance/principal’s/ARO ka na ba?
:: Oo nman. Hindi kumpleto ang high school life kung hindi ka pa na-guidance kahit kelan. Haha. Actually, career talk lng nman un. Hehe. Biglang ganun?
Sinong favorite teacher/s mo doon?
:: Mrs. Ocampo syempre. Teacher nmin nung first year sa Math. Tpos syempre yung mga class advisers ko, sina Miss Bagorio at Miss Basadre. Tpos Science teacher ko nung first year din si Mrs. Anos.
Sinong most hated teacher mo?
:: Wala nman in particular. (Ang plastik noh?) Ayaw ko mag-mention ng name pero almost buong section nmin HATE din xa. feeling niya kasi siya lang teacher nmin at yung subject lang niya ang meron kami.
Saan ka usually tumatambay? Why?
:: Sa quadrangle kpag recess or lunch bago pumila uli. Sa rooftop lalo na kpag CAT training, at Sa Gym kasi may gusto ako makita (^_^)v
What’s your most unforgettable experience?
:: unforgettable, madami eh. Pero ung pinaka-unforgettable siguro yung retreat nmin nung fourth year. Sobrang ang saya kasi nun. Sa Don Bosco Retreat House.
Most unforgettable anything in high school?
:: anything? Persons – my classmates, friends, batchmates, teachers, crushes… Place – rooftop (masaya kasi feeling kapag andun ka…), retreat house, classrooms, gym… events – lahat ng events… kahit ung mga first Friday mass nmin, quiz bees, intrams, outings, etc.
Varsity?
:: sa kalokohan, oo.
Sinong una mong nakilala sa high school mo?
:: Karamihan kasi naging klasmeyt ko na nung elementary pa lang, so hindi na sila ‘unang nakilala’. Siguro new student na lang na nakilala ko… si Eileen Zuasola.
Sinu-sino mga kabarkada mo nung nag-graduate ka from HS?
:: Nung nag-graduate ako mga kabarkada ko yung mga klasmeyts ko nung fourth year. Sila Janice, Celine, Yum, Laurice, Amy, Rachelle, Sharon, Golda, Cherrynai, Richelle…
Na-mimiss mo na ba yung uniform mo?
:: Yup. Unique kasi ung style ng uniform nmin. I haven’t seen anything like it. Not even close. Kaya lang ung colors sabi nila pang table cloth daw. Checkered na red and white kasi. ^_^
Ilang beses mo nang nawala ang ID mo?
:: Never ko pa nawala ID ko. Sobrang maingat kasi ako dun kasi it’s very important.
Favorite Teacher’s quotable quote?
:: I will not mention kung sino pero sobrang panalo itong sinasabi nya kapag pumipila kami. “Insert yourself.” Meaning, luminya ka or pumila ka ng maayos. Kapag sinabi na niya yun, mapapansin mo na yung buong section nmin nakangiti. ^_^
Most unforgettable person/s?
:: Na-mention ko na kanina eh. Mga friends, klasmeyts, batch mates, teachers ko, CAT officers nmin, mga crush ko…
Best friend mo nung high school?
:: Si Bernice lang yata ung naging best friend ko talaga. Although, we seldom talk now. Naging best friend ko rin si Katheo at hindi rin kami nag-uusap ngayon.
I-describe ang mukha mo sa grad pic.
:: Ayos lang nman. Mukha nmang tao. Actually, tinatawanan nga nila ako kasi nilagyan ako ng make-up. Eh, as if nman colored yung yearbook nmin. Hindi kasi ako naglalagay ng make-up noh.
Anong binibili mo sa labas tuwing uwian?
:: Mojos with macaroni. Sarap nun. Yung mga ‘value meals’ sa may tindahan sa tapat ng school. Yun madalas. tpos mga cheese stick, kikiam, at kung anu-ano pang street foods na malinis nman.
Nakakita ka na ba ng multo sa school?
:: Nakakita? Not exactly. Madalas parang may dumaan lng. Palaging ganun. O kaya yung nararamdaman mo na hindi lang ikaw or kayo ng kasama mo yung nandoon sa place na iyon… usually ganun lang.
Nangarag ka ba sa updating/paghahabol sa graduation?
:: Yup. Dahil nrin sa kagustuhan mong matapos na agad para wala ka nang iintindihin pa. Ako kasi sobrang inasikaso ko na lahat nung Christmas break pa lang. alam ko kasing papansin minsan mga teachers. Nagtatago kpag clearance time na. nagpapahabol. Kaya kelangan mag-effort ka talaga at magpasa ka agad ng requirements kasi kung na-late ka magpasa, there’s a big chance na maghahabol ka talaga. Asar noh? Isipin mo na lang, last time na yun.
Anong unang-una mong ginawa right after graduation?
:: right after the graduation ceremony, I hugged all my friends. Sobra. Kasi I know na hindi ko na sila makikita ng madalas. Some of them I might see sa class reunion na. right after graduation day...naging palamunin na. natulog, kumain, nanood ng TV… the usual. Nag-stop lang yun nung kelangan ko na mag-enroll for college. i miss those days. (^_^)v
No comments:
Post a Comment